24Ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila.
25Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga diyos ng mga taong nilipol ng Diyos sa lupaing iyon.
26Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Diyos ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat-pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Ruben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manases at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.