1 Mga Cronica 5

Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga diyos ng mga taong nilipol ng Diyos sa lupaing iyon.

1 Chronicles 5:25 (UKJV) And they transgressed against the God of their fathers, and went a whoring after the gods of the people of the land, whom God destroyed before them.

23Ang kalahating angkan ni Manases ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal-hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila.

24Ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila.

25Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga diyos ng mga taong nilipol ng Diyos sa lupaing iyon.

26Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Diyos ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat-pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Ruben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manases at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.