1 Mga Cronica 5

Ang kalahating angkan ni Manases ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal-hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila.

1 Chronicles 5:23 (UKJV) And the children of the half tribe of Manasseh dwelt in the land: they increased from Bashan unto Baalhermon and Senir, and unto mount Hermon.

21Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: limampung libong kamelyo, dalawandaan at limampung libong tupa at dalawang libong asno. Binihag din nila ang isang daang libong tao.

22Marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Diyos sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.

23Ang kalahating angkan ni Manases ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal-hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila.

24Ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila.

25Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga diyos ng mga taong nilipol ng Diyos sa lupaing iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.