63Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.
64Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito.
65Ibinigay din sa kanila ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin sa pamamagitan ng palabunutan.
66Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim.
67Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer,