65Ibinigay din sa kanila ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin sa pamamagitan ng palabunutan.
66Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim.
67Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer,
68Jocmeam, Bet-horon,
69Ayalon at Gat-rimon, pati na ang mga pastulan nito.