37Si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa. Si Rafa ang ama ni Elasa. Si Elasa ang ama ni Azel.
38Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
39Ang mga lalaking anak ng kapatid ni Azel na si Esec ay sina Ulam (ang panganay), Jeus (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo).
40Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo na umabot sa isang daan at limampu lahat. Silang lahat ang lahi ni Benjamin.