1 Mga Taga-Corinto 1

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at ipapawalang-saysay ko ang katalinuhan ng matatalino.”

1 Corinthians 1:19 (UKJV) For it is written, I will destroy the wisdom of the wise, and will bring to nothing the understanding of the prudent.

17Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.

18Ang mensahe ng pagkamatay ni Kristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa ating mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Diyos.

19Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at ipapawalang-saysay ko ang katalinuhan ng matatalino.”

20Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Diyos na ang karunungan ng mundong ito ay kamangmangan?

21Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi niya ipinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.