1 Mga Taga-Corinto 1

Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Kristo na ipinako sa krus: bagay na hindi matanggap ng mga Hudyo, at isang kamangmangan para sa mga Hentil.

1 Corinthians 1:23 (UKJV) But we preach Christ crucified, unto the Jews a stumbling block, and unto the Greeks foolishness;

21Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi niya ipinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang.

22Ang mga Hudyo ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griyego naman ay naghahanap ng sinasabi nilang karunungan.

23Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Kristo na ipinako sa krus: bagay na hindi matanggap ng mga Hudyo, at isang kamangmangan para sa mga Hentil.

24Subalit para sa mga tinawag ng Diyos, Hudyo man o Hentil, si Kristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.

25Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.