1 Mga Taga-Corinto 1

At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga.

1 Corinthians 1:28 (UKJV) And base things of the world, and things which are despised, has God chosen, yea, and things which are not, to bring to nothing things that are:

26Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang kayoʼy tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan.

27Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas.

28At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga.

29Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos.

30Dahil sa kanya, tayoʼy nakay Kristo Hesus. Si Kristo ang karunungan ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan niya, itinuring tayo ng Diyos na matuwid, ibinukod para sa kanya, at tinubos sa ating mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.