1 Mga Taga-Corinto 10

Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga diyos-diyosan.”

1 Corinthians 10:7 (UKJV) Neither be all of you idolaters, as were some of them; as it is written, The people sat down to eat and drink, and rose up to play.

5Ngunit sa kabila nito, karamihan sa kanila ay gumawa ng hindi kalugod-lugod sa Diyos, at dahil dito, nangalat ang kanilang mga bangkay sa ilang.

6Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nila.

7Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga diyos-diyosan.”

8Huwag tayong gumawa ng seksuwal na imoralidad, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Dahil ditoʼy namatay ang 23,000 sa kanila sa loob lamang ng isang araw.

9Huwag ninyong subukin si Kristo tulad ng ginawa ng iba sa kanila, kaya namatay sila sa tuklaw ng mga ahas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.