6Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nila.
7Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga diyos-diyosan.”
8Huwag tayong gumawa ng seksuwal na imoralidad, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Dahil ditoʼy namatay ang 23,000 sa kanila sa loob lamang ng isang araw.
9Huwag ninyong subukin si Kristo tulad ng ginawa ng iba sa kanila, kaya namatay sila sa tuklaw ng mga ahas.
10Huwag din kayong mareklamo tulad ng ilan sa kanila, kaya pinatay sila ng Anghel ng kamatayan.