8Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki.
9At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki.
10Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae para makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa.
11Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae.
12Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Diyos.