11Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae.
12Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Diyos.
13Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin sa Diyos nang walang takip sa ulo?
14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito.
15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.