1 Mga Taga-Corinto 11

Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.

1 Corinthians 11:15 (UKJV) But if a woman have long hair, it is a glory to her: for her hair is given her for a covering.

13Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin sa Diyos nang walang takip sa ulo?

14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito.

15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.

16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.

17Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.