15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.
16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.
17Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti.
18Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at bahagya akong naniniwala na may katotohanan nga iyan.
19Kinakailangan sigurong mangyari iyan upang malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya.