1 Mga Taga-Corinto 11

Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.

1 Corinthians 11:16 (UKJV) But if any man seem to be contentious, we have no such custom, neither the churches of God.

14Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito.

15Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.

16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.

17Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti.

18Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at bahagya akong naniniwala na may katotohanan nga iyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.