1 Mga Taga-Corinto 11

Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at bahagya akong naniniwala na may katotohanan nga iyan.

1 Corinthians 11:18 (UKJV) For first of all, when all of you come together in the church, I hear that there be divisions among you; and I partly believe it.

16Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.

17Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti.

18Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at bahagya akong naniniwala na may katotohanan nga iyan.

19Kinakailangan sigurong mangyari iyan upang malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya.

20Kapag nagtitipon kayo, hindi naman ninyo ipinagdidiriwang ang Banal na Hapunan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.