20Kapag nagtitipon kayo, hindi naman ninyo ipinagdidiriwang ang Banal na Hapunan,
21dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy lasing na, at ang iba namaʼy gutom pa.
22Wala ba kayong mga sariling bahay para doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Diyos at ipinapahiya ang mga mahihirap. Ano ngayon ang gusto ninyong gawin ko? Purihin kayo? Aba, hindi!
23Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing ipagkanulo ang Panginoong Hesus, kumuha siya ng tinapay,
24at pagkatapos niyang magpasalamat sa Diyos, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”