1 Mga Taga-Corinto 11

Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

1 Corinthians 11:27 (UKJV) Wherefore whosoever shall eat this bread, and drink this cup of the Lord, unworthily, shall be guilty of the body and blood of the Lord.

25Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong kasunduang pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.”

26Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.

27Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

28Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa kopa.

29Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.