27Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa kopa.
29Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili.
30At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay.
31Ngunit kung susuriin natin ang ating sarili, kung tama o mali ba ang ating mga ginagawa, hindi tayo parurusahan ng Diyos.