1 Mga Taga-Corinto 11

At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay.

1 Corinthians 11:30 (UKJV) For this cause many are weak and sickly among you, and many sleep.

28Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa kopa.

29Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili.

30At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay.

31Ngunit kung susuriin natin ang ating sarili, kung tama o mali ba ang ating mga ginagawa, hindi tayo parurusahan ng Diyos.

32Kung tayo man ay pinarurusahan ng Panginoon, dinidisiplina niya tayo upang hindi tayo maparusahang kasama ng mga tao sa mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.