1 Mga Taga-Corinto 12

Hindi na kailangang pagandahin ang mga bahaging maganda na. Ganoon din nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal,

1 Corinthians 12:24 (UKJV) For our comely parts have no need: but God has tempered the body together, having given more abundant honour to that part which lacked.

22Ang totoo, ang mga bahagi ng katawan na parang mahina ang siya pang kailangang-kailangan.

23Ang mga bahagi ng katawan na sa tingin natin ay hindi gaanong mahalaga ay inaalagaan nating mabuti, at ang mga bahaging hindi maganda ay ating pinapaganda.

24Hindi na kailangang pagandahin ang mga bahaging maganda na. Ganoon din nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal,

25upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati sa katawan; sa halip, magkaroon ang bawat bahagi ng pagmamalasakit sa isaʼt isa.

26Kaya kung nasasaktan ang isang bahagi ng katawan, ang ibang bahagi ay nasasaktan din. At kung ang isang bahagi ay pinararangalan, ang ibang bahagi ay natutuwa rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.