1 Mga Taga-Corinto 13

Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin; ngunit darating ang araw na malinaw na ang ating makikita. Bahagya lamang ang ating nalalaman ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng ganap na pagkakakilala ng Diyos sa atin.

1 Corinthians 13:12 (UKJV) For now we see through a glass, darkly; but then face to face: now I know in part; but then shall I know even as also I am known.

10Ngunit darating ang panahong magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.

11Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong matanda na ako, iniwan ko na ang mga ugaling pambata.

12Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin; ngunit darating ang araw na malinaw na ang ating makikita. Bahagya lamang ang ating nalalaman ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng ganap na pagkakakilala ng Diyos sa atin.

13At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.