1 Mga Taga-Corinto 13

Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong matanda na ako, iniwan ko na ang mga ugaling pambata.

1 Corinthians 13:11 (UKJV) When I was a child, I spoke as a child, I understood as a child, I thought as a child: but when I became a man, I put away childish things.

9Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Diyos.

10Ngunit darating ang panahong magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.

11Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong matanda na ako, iniwan ko na ang mga ugaling pambata.

12Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin; ngunit darating ang araw na malinaw na ang ating makikita. Bahagya lamang ang ating nalalaman ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng ganap na pagkakakilala ng Diyos sa atin.

13At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.