15Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit mananalangin din ako sa paraang naiintindihan ko. Aawit ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit aawit din ako sa paraang naiintindihan ko.
16Kung magpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi?
17Kahit mabuti ang pagpapasalamat mo sa Diyos, hindi naman ito nakakapagpatibay ng iba.
18Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapagsasalita ako sa ibaʼt ibang wika ng higit pa sa inyong lahat.
19Ngunit sa iglesya, mas gugustuhin ko pang magsalita ng limang katagang nauunawaan para maturuan ko ang iba, kaysa libo-libong kataga sa wikang wala namang nakakaunawa.