1 Mga Taga-Corinto 14

Kung magpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi?

1 Corinthians 14:16 (UKJV) Else when you shall bless with the spirit, how shall he that occupies the room of the unlearned say Amen at your giving of thanks, seeing he understands not what you says?

14Kung nananalangin ako sa ibang wikang hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi ko.

15Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit mananalangin din ako sa paraang naiintindihan ko. Aawit ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit aawit din ako sa paraang naiintindihan ko.

16Kung magpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi?

17Kahit mabuti ang pagpapasalamat mo sa Diyos, hindi naman ito nakakapagpatibay ng iba.

18Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapagsasalita ako sa ibaʼt ibang wika ng higit pa sa inyong lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.