1 Mga Taga-Corinto 15

Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Kristo ay espiritung nagbibigay-buhay.

1 Corinthians 15:45 (UKJV) And so it is written, The first man Adam was made a living soul; the last Adam was made a life- giving spirit.

43Kapag inilibing, itoʼy walang karangalan at walang kakayahan. Ngunit kapag muling binuhay, itoʼy may kaluwalhatian at kapangyarihan.

44Ang katawang inilibing ay pisikal, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy espirituwal na. Sapagkat kung mayroong katawang pisikal ay mayroon din namang katawang espirituwal.

45Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Kristo ay espiritung nagbibigay-buhay.

46Hindi ang espirituwal na katawan ang nauna kundi ang pisikal, at pagkatapos noon ay ang espirituwal naman.

47Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, nilikha mula sa alabok, ngunit ang pangalawang tao na si Kristo ay mula sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.