1 Mga Taga-Corinto 15

Ang katawang inilibing ay pisikal, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy espirituwal na. Sapagkat kung mayroong katawang pisikal ay mayroon din namang katawang espirituwal.

1 Corinthians 15:44 (UKJV) It is sown a natural body; it is raised a spiritual body. There is a natural body, and there is a spiritual body.

42Ganyan din ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman.

43Kapag inilibing, itoʼy walang karangalan at walang kakayahan. Ngunit kapag muling binuhay, itoʼy may kaluwalhatian at kapangyarihan.

44Ang katawang inilibing ay pisikal, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy espirituwal na. Sapagkat kung mayroong katawang pisikal ay mayroon din namang katawang espirituwal.

45Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Kristo ay espiritung nagbibigay-buhay.

46Hindi ang espirituwal na katawan ang nauna kundi ang pisikal, at pagkatapos noon ay ang espirituwal naman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.