1 Mga Taga-Corinto 15

Ganyan din ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman.

1 Corinthians 15:42 (UKJV) So also is the resurrection of the dead. It is sown in corruption; it is raised in incorruption:

40Iba din ang anyo ng mga nasa kalangitan at ng mga nasa lupa, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Ang kagandahan ng anyo ng mga nasa kalangitan ay iba sa kagandahan ng anyo ng mga nasa lupa.

41Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba rin naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may ibaʼt ibang ningning.

42Ganyan din ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman.

43Kapag inilibing, itoʼy walang karangalan at walang kakayahan. Ngunit kapag muling binuhay, itoʼy may kaluwalhatian at kapangyarihan.

44Ang katawang inilibing ay pisikal, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy espirituwal na. Sapagkat kung mayroong katawang pisikal ay mayroon din namang katawang espirituwal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.