1 Mga Taga-Corinto 15

Iba din ang anyo ng mga nasa kalangitan at ng mga nasa lupa, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Ang kagandahan ng anyo ng mga nasa kalangitan ay iba sa kagandahan ng anyo ng mga nasa lupa.

1 Corinthians 15:40 (UKJV) There are also celestial bodies, and bodies terrestrial: but the glory of the celestial is one, and the glory of the terrestrial is another.

38Ang Diyos ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.

39Gayundin, hindi lahat ng katawan ay pare-pareho: Iba ang katawan ng tao, ng hayop, ng ibon at ng isda.

40Iba din ang anyo ng mga nasa kalangitan at ng mga nasa lupa, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Ang kagandahan ng anyo ng mga nasa kalangitan ay iba sa kagandahan ng anyo ng mga nasa lupa.

41Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba rin naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may ibaʼt ibang ningning.

42Ganyan din ang muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.