1 Mga Taga-Corinto 15

Ang Diyos ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.

1 Corinthians 15:38 (UKJV) But God gives it a body as it has pleased him, and to every seed his own body.

36Mga mangmang! Ang inihahasik na binhi ay hindi mabubuhay hanggaʼt hindi ito namamatay.

37At kahit anong binhi ang itanim mo, trigo man o ibang binhi, magiging iba ang anyo nito kapag tumubo na.

38Ang Diyos ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.

39Gayundin, hindi lahat ng katawan ay pare-pareho: Iba ang katawan ng tao, ng hayop, ng ibon at ng isda.

40Iba din ang anyo ng mga nasa kalangitan at ng mga nasa lupa, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Ang kagandahan ng anyo ng mga nasa kalangitan ay iba sa kagandahan ng anyo ng mga nasa lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.