34Magpakatino kayo at itigil na ang paggawa ng kasalanan. Sinasabi ko ito para mahiya kayo sa inyong sarili, dahil may ilan sa inyo na mali ang pagkakakilala sa Diyos.
35Maaaring may magtanong, “Paano muling bubuhayin ang mga patay? Anong uri ng katawan ang matatanggap nila?”
36Mga mangmang! Ang inihahasik na binhi ay hindi mabubuhay hanggaʼt hindi ito namamatay.
37At kahit anong binhi ang itanim mo, trigo man o ibang binhi, magiging iba ang anyo nito kapag tumubo na.
38Ang Diyos ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.