46Hindi ang espirituwal na katawan ang nauna kundi ang pisikal, at pagkatapos noon ay ang espirituwal naman.
47Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, nilikha mula sa alabok, ngunit ang pangalawang tao na si Kristo ay mula sa langit.
48Katulad ng taong mula sa alabok, ganoon din ang katawan ng mga tao sa lupa at katulad ng taong mula sa langit, ganoon din ang magiging katawan ng mga taong nanampalataya sa kanya.
49Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na mula sa alabok, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Kristo na mula sa langit.
50Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawang binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.