1 Mga Taga-Corinto 15

Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na mula sa alabok, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Kristo na mula sa langit.

1 Corinthians 15:49 (UKJV) And as we have borne the image of the earthy, we shall also bear the image of the heavenly.

47Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, nilikha mula sa alabok, ngunit ang pangalawang tao na si Kristo ay mula sa langit.

48Katulad ng taong mula sa alabok, ganoon din ang katawan ng mga tao sa lupa at katulad ng taong mula sa langit, ganoon din ang magiging katawan ng mga taong nanampalataya sa kanya.

49Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na mula sa alabok, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Kristo na mula sa langit.

50Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawang binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.

51Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyong isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.