1 Mga Taga-Corinto 15

sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga nabubuhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan.

1 Corinthians 15:52 (UKJV) In a moment, in the twinkling of an eye, at the last trump: for the trumpet shall sound, and the dead shall be raised incorruptible, and we shall be changed.

50Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawang binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.

51Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyong isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan

52sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga nabubuhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan.

53Sapagkat itong katawan nating nabubulok at namamatay ay dapat mapalitan ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay.

54At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi ng Kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.