1 Mga Taga-Corinto 16

At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

1 Corinthians 16:14 (UKJV) Let all your things be done with love.

12Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lamang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon.

13Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

14At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

15Alam ninyong si Estefanas at ang pamilya niya ang unang naging Kristiyano diyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga hinirang ng Diyos. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid,

16na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na nagtatrabaho at naglilingkod ng husto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.