1 Mga Taga-Corinto 16

Alam ninyong si Estefanas at ang pamilya niya ang unang naging Kristiyano diyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga hinirang ng Diyos. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid,

1 Corinthians 16:15 (UKJV) I plead to (all of you know the house of Stephanas, that it is the first-fruits of Achaia, and that they have addicted themselves to the ministry of the saints,)

13Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

14At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

15Alam ninyong si Estefanas at ang pamilya niya ang unang naging Kristiyano diyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga hinirang ng Diyos. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid,

16na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na nagtatrabaho at naglilingkod ng husto.

17Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.