1 Mga Taga-Corinto 16

Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa.

1 Corinthians 16:17 (UKJV) I am glad of the coming of Stephanas and Fortunatus and Achaicus: for that which was lacking on your part they have supplied.

15Alam ninyong si Estefanas at ang pamilya niya ang unang naging Kristiyano diyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga hinirang ng Diyos. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid,

16na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na nagtatrabaho at naglilingkod ng husto.

17Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa.

18Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila.

19Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa lalawigan ng Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.