18Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila.
19Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa lalawigan ng Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon.
20At kinukumusta rin kayong lahat ng mga mananampalataya rito. Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo.
21Akong si Pablo mismo ang sumusulat ng pagbating ito.
22Parusahan nawa ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya. Panginoon, bumalik na po kayo!