20At kinukumusta rin kayong lahat ng mga mananampalataya rito. Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo.
21Akong si Pablo mismo ang sumusulat ng pagbating ito.
22Parusahan nawa ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya. Panginoon, bumalik na po kayo!
23Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesus.
24Minamahal ko kayong lahat kay Kristo Hesus.