2Sa bawat Linggo, dapat maglaan ang bawat isa sa inyo ng halagang ayon sa inyong kinikita, at maipon ito upang pagdating ko diyan ay nakahanda na ang inyong tulong.
3Pagdating ko riyan, ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong sa Jerusalem ay bibigyan ko ng sulat na magpapakilala sa kanila.
4At kung kinakailangan ko ring pumunta, isasama ko na sila.
5Tutuloy ako dʼyan sa Corinto pagkagaling ko sa Macedonia dahil kailangan kong dumaan doon.
6Maaaring magtagal ako dʼyan sa inyo. Baka diyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa aking paglalakbay, saanman ako magtungo.