1Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga hinirang ng Diyos sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa Galacia.
2Sa bawat Linggo, dapat maglaan ang bawat isa sa inyo ng halagang ayon sa inyong kinikita, at maipon ito upang pagdating ko diyan ay nakahanda na ang inyong tulong.
3Pagdating ko riyan, ang mga taong pipiliin ninyo na magdadala ng inyong tulong sa Jerusalem ay bibigyan ko ng sulat na magpapakilala sa kanila.
4At kung kinakailangan ko ring pumunta, isasama ko na sila.