6Maaaring magtagal ako dʼyan sa inyo. Baka diyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa aking paglalakbay, saanman ako magtungo.
7Ayaw kong dadaan lamang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon.
8Samantala, mananatili ako rito sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes,
9dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.
10Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti para mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon.