1 Mga Taga-Corinto 16

Ayaw kong dadaan lamang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon.

1 Corinthians 16:7 (UKJV) For I will not see you now by the way; but I trust to tarry a while with you, if the Lord permit.

5Tutuloy ako dʼyan sa Corinto pagkagaling ko sa Macedonia dahil kailangan kong dumaan doon.

6Maaaring magtagal ako dʼyan sa inyo. Baka diyan ako magpalipas ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa mga pangangailangan ko sa aking paglalakbay, saanman ako magtungo.

7Ayaw kong dadaan lamang ako sa inyo. Gusto kong magtagal sa piling ninyo kung loloobin ng Panginoon.

8Samantala, mananatili ako rito sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes,

9dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.