1 Mga Taga-Corinto 2

Sa halip, ang karunungang sinasabi ko ay ang hiwaga ng Diyos na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating kaluwalhatian bago pa man niya likhain ang mundo.

1 Corinthians 2:7 (UKJV) But we speak the wisdom of God in a mystery, even the hidden wisdom, which God ordained before the world unto our glory:

5nang sa ganooʼy hindi nakasalalay sa karunungan ng tao ang inyong pananampalataya kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

6Kung sabagay, nagtuturo rin kami ng malalalim na karunungan sa mga matatag na sa pananampalataya, ngunit ang karunungang itoʼy hindi mula sa karunungan ng mundong ito, o sa mga namumuno sa mundong ito na nakatakda nang maglaho.

7Sa halip, ang karunungang sinasabi ko ay ang hiwaga ng Diyos na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating kaluwalhatian bago pa man niya likhain ang mundo.

8Ang karunungang ito ay hindi naunawaan ng mga namumuno sa mundong ito. Sapagkat kung naunawaan nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang dakilang Panginoon.

9Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan: “Wala pang mga matang nakakita, wala ring mga taingang nakarinig, at wala pang taong nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.