1 Mga Taga-Corinto 2

Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan: “Wala pang mga matang nakakita, wala ring mga taingang nakarinig, at wala pang taong nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.”

1 Corinthians 2:9 (UKJV) But as it is written, Eye has not seen, nor ear heard, neither have entered into the heart of man, the things which God has prepared for them that love him.

7Sa halip, ang karunungang sinasabi ko ay ang hiwaga ng Diyos na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating kaluwalhatian bago pa man niya likhain ang mundo.

8Ang karunungang ito ay hindi naunawaan ng mga namumuno sa mundong ito. Sapagkat kung naunawaan nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang dakilang Panginoon.

9Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan: “Wala pang mga matang nakakita, wala ring mga taingang nakarinig, at wala pang taong nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.”

10Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinisiyasat ng Espiritu, maging ang mga malalalim na kaisipan ng Diyos.

11Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Diyos maliban sa kanyang Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.