9Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan: “Wala pang mga matang nakakita, wala ring mga taingang nakarinig, at wala pang taong nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.”
10Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinisiyasat ng Espiritu, maging ang mga malalalim na kaisipan ng Diyos.
11Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Diyos maliban sa kanyang Espiritu.
12At ang Espiritu na ito ng Diyos ang tinanggap nating mga mananampalataya, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos.
13Kaya nga ipinangangaral namin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga salitang mula sa Banal na Espiritu at hindi mula sa karunungan ng tao. Ipinangangaral namin ang espirituwal na mga bagay sa mga taong pinananahanan ng Espiritu.