15Ngunit kapag ito namaʼy nasunog, wala siyang tatanggaping gantimpala. Ganoon pa man, maliligtas siya, ngunit katulad lamang ng isang taong nakaligtas sa apoy.
16Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?
17Ang sinumang wawasak sa Templo ng Diyos ay parurusahan niya, dahil banal ang Templo ng Diyos. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.
18Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.
19Sapagkat ang karunungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Diyos. Ayon nga sa Kasulatan, “Hinuhuli ng Diyos ang marurunong sa kanilang katusuhan,”