1 Mga Taga-Corinto 3

Sapagkat ang karunungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Diyos. Ayon nga sa Kasulatan, “Hinuhuli ng Diyos ang marurunong sa kanilang katusuhan,”

1 Corinthians 3:19 (UKJV) For the wisdom of this world is foolishness with God. For it is written, He takes the wise in their own craftiness.

17Ang sinumang wawasak sa Templo ng Diyos ay parurusahan niya, dahil banal ang Templo ng Diyos. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.

18Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.

19Sapagkat ang karunungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Diyos. Ayon nga sa Kasulatan, “Hinuhuli ng Diyos ang marurunong sa kanilang katusuhan,”

20at “Alam ng Panginoon na ang mga pangangatwiran ng marurunong ay walang kabuluhan.”

21Kaya huwag na ninyong ipagmalaki kung sino man ang sinusundan ninyo, sapagkat ang lahat ng bagay ay sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.