1Mga kapatid, hindi ko kayo makausap noon bilang mga taong ginagabayan ng Espiritu, kundi bilang mga taong makamundo at sanggol pa sa pananampalataya kay Kristo.
2Gatas lamang ang ibinigay ko sa inyo, hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi pa ninyo ito kaya. Hindi pa kayo handa
3dahil makamundo pa rin kayo. Nag-iinggitan at nag-aaway-away kayo. Hindi baʼt patunay ito na makamundo pa rin kayo at namumuhay ayon sa laman?
4Kapag sinasabi ng isa, “Kay Pablo ako,” at ang sinasabi naman ng isa, “Kay Apolos ako,” hindi baʼt para kayong mga taong makamundo?